Miyerkules, Marso 16, 2011

BUKANG LIWAY WAY....

Bulong niyang humehele sa puso
 ng isang anghel animoy musikang kay ganda.

Busog ng pag aaruga
Maselang sekmura
di pa kayang suboan ang gutom.

Nakakulong hindi sa piitan
Bulag hindi sa katotohanan
Balot man ng kadiliman
Liwanag niya umaabot naman.

Bawat pintig ng panahon
Buhay naisasakatuparan
Panibagong mga yapak.
Gagabayan ng tadhana,

Unti-unting natatanaw
Pagsikat ni haring araw
Pusong umiiyak,
Tanda ng pagsilang.

Kalong ng mga braso
Niyang kay dskila
Lampara ng mundong
Minsang nag-aagaw dilim..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento